Cynthia Villar : "Room Nurse" Issue



Naging malaking issue nga itong comment na binitawan ni Madam Cynthia Villar sa National Television regarding sa mga student nurses o pinoy nurses natin. Di nagustuhan ng karamihan at nagbigay ng mga negatibong reaksiyon ang mga Pinoy Nurses, di lamang sa Pilipinas kundi pati na din yung mga nasa abroad.


Ang akin naman, bakit pa natin sasabayan ng "negative" ang "negative"? Di ba mas magandang patunayan na lang natin sa ating mga ginagawa na di lang tayo isang "Room Nurse" na aya ng sinabi ni Madam Villar? Hindi sa kinakampihan ko siya, pero ayoko lang talaga ng ganitong klase ng bangayan. Anong magagawa ng pagsigaw mo na di nga tayo ganun na mga nurses? May mababago ba sa tingin mo kung lahat tayo ay idadaan sa internet ang boses? Na dumadating pa sa point na kinakawawa na natin siya? Ang alam ko di ganun ang tinuro sa atin noong nag-aaral pa lang tayo. Nurses tayo, hayaan na lang natin sila sa anumang gusto nilang sabihin sa atin. Patunayan na lang natin na di ganun ang Profession natin. Na marangal at maipagmamalaki sa buong mundo ang mga Pinoy Nurses. Na magagaling at masisipag tayong mga nurses. Ibahin natin ang tingin nila sa atin sa tama at mas payapang paraan. Kasi kung ganito din lang naman ang gagawin nating lahat, sa tingin ko parang tama na nga ang sinasabi nila sa atin na di tayo magaling at di kailangang magtapos ng BSN.

Hindi biro ang maging isang nurse, sa tingin ko nga Nurse na lang din ang nakakaintindi sa kapwa niya nurse. Marami pa silang di alam sa Profession natin, kaya intindihin na lang natin sila. Alam ko di talaga maganda ang mga nasabi ni Madam Villar, pero di na ba pwedeng patawarin yun at kalimutan? Dudungisan ba natin ang "Puting Uniporme" natin at isusumpa na natin siya? Huwag na lang nating patulan pa ang mga sasabihin nila. Pagbutihin mo na lang ang trabaho natin at nang magbago na din ang tingin nila sa ating mga nurse.Lagi lang nating tandaan na Professional tayo, may Pinagaralan tayo, at higit sa lahat NURSES tayo.

-HYOID



Heto yung video ni Cynthia Villar:


1 comment:

  1. Ang akin naman, bakit pa natin sasabayan ng "negative" ang "negative"? Di ba mas magandang patunayan na lang natin sa ating mga ginagawa na di lang tayo isang "Room Nurse" na aya ng sinabi ni Madam Villar?

    Legal Software Singapore

    ReplyDelete

Register Here!