Demanding na ba talaga
masyado ang mga Parents natin?
By: Hyoid
Kung naggraduate ka ng HighSchool
sa taong 2004-2006, malamang Nursing ang course mo ngayon.
Masyado na bang demanding ang
parents natin? I’m sure karamihan sa atin ay
napilit lang kumuha ng Nursing.
Magulang na kasi ang pumili ng course mo at hindi ikaw. Bakit ganun? Bakit di
ko sila natanong noon kung bakit nga ba ganun? Lahat ba ng Nursing graduate
ngayon eh yumaman na? Di ba nga, sa mahal ng tuition fee noong College eh
parang sa mayayaman lang yata talaga ang course na ito. Pero ang dami ding
kumuha ng course na ito na di ganun kayaman. Yung tipong sapat lang sa pamilya
ang sweldo ng magulang. Dahil sa kaisipang kapag kumuha ka ng nursing eh
giginhawa din ang buhay. Ang daming nahulog sa ganitong “trap” ng buhay. Nakita
ba ng mga parents natin ito noon? Malamang hindi.
Kung siguro pipili ka ngayon ng
course mo at ibabalik kita sa panahon na enrollment na sa college, ano kayang
pipiliin mong course? Malamang mga 95% ang magsasabing hindi na Nursing ang
pipiliin. Pwedeng HRM, Criminology o di naman kaya Education na ang course mo.
Yung iba Engineering? Pwede ding IT na lang. Ang daming pagsisisi.
Ayon sa napanood kong Bollywood
film na itago na lang natin sa title na “3 Idiots”, dapat daw sundin mo ang
passion mo sa pagpili ng career na susundin. May isang character dun na
magaling kumuha ng wildlife pictures, pero pinipilit siyang maging engineer ng
mga magulang niya. Anong nagging resulta? Puro bagsak ang mga exams niya at
parang wala siyang ganang mag-aral. Ano sa tingin mo ang dahilan? Wala siyang
passion sa course na yun. Di niya gusto yun eh so malamang di siya magseryoso.
Sabi nga ng character na iyon eh kung magiging engineer man siya eh wala ding
kwenta. Magiging bobo siyang engineer. Pero kung sakaling maging photographer
siya, magiging pinakamagaling siya sa larangan na iyon. Ganun din sa nursing,
ang taas siguro ng mga grades sa exams at passing rate sa NLE kung lahat ng
kukuha ng Nursing eh yung talagang gusto ang course na ito. Andun kasi yung
passion eh, di ka tatamaring bumangon sa umaga para magduty. Di ka din aantokin
sa gabi habang nasa Graveyard shift ka. Di ka din mapapagod sa maghapong pagtayo
sa ER at wards. Di mo din mararamdaman ang pagod sa pag-alaga ng mga pasyente.
Mababawasan ang mga pagkakamali sa field. At mababawasan ang mga nagsisiksikang
unemployed nurses sa Pilipinas.
Habang sinusulat ko ito, ongoing
na ang checking ng mga testpapers ng mga kumuha ng NLE ngayong taon. Hinihintay
ng mga Nursing graduates kung pasado ba sila o hindi. Kung susundin ang trend
sa mga nakaraang exams, kulang-kulang kalahati ang makakapasa. Bakit ang daming
bumabagsak? Sino ang dapat sisihin? Yun bang antok nila during duty? Yun bang
pagkabagot nila habang lectures sa school? Yun bang pagod nila sa apat na taon
na pag-aaral nila? O yung kawalan nila ng passion para seryosohin ang Nursing?
“Anak, magnursing ka ha, ikaw ang inaasahan naming ng nanay mo.
Pagbutihin mo anak ha, mag-abroad ka pagkagraduate mo.”
Yan ang linyang kay hirap
tanggihan. Kay hirap sabihing, “Itay! Cosmetology po ang gusto ko!”
Magugulat ka na lang sa sagot ng
tatay mo na, “MagNursing ka! Yan ang gusto naming, kaya tumahimik ka diyan
Arnulfo!”
Pero sa totoo lang, natanong mo ba
sa sarili mo kung talaga bang kaya ang course na ito? Hindi rin ito ganun
kadali na gaya ng iniisip nila. Sabi nga nila eh, Ikaw ang mag-aaral hindi
sila. Bakit kaya di natin kayang ipilit ang gusto natin? Bakit di natin sila
kayang sagutin nang, “Itay, nasa Cosmetology ang calling ko! Sana ako naman ang
pakinggan niyo ngayon. Sinunod ko naman ang gusto niyo na kunin ko ang kursong
Elementary at HighSchool di ba? Itay, pagbigyan niyo na ako! Huhuhu.”
Pero napatahimik ka na lang sa
sagot ng tatay mo, “Anak kalimutan mo na yang Cosmetology na yan, mahirap yan.
Bumagsak ako diyan dati. =(“
Well, ganun yata kasi ang culture
natin dito sa Pilipinas, dapat magulang ang nasusunod. Sila ang nasusunod sa
halos lahat ng bagay. Pati sa pagpili ng career natin sa future. Pero sa tingin
mo, Masaya kaya yung mga taong pinilit ng mga magulang nila sa kursong ayaw
naman nila? Asan na sila ngayon? Yumaman na ba? O nag-aral ulit sila ng ibang
course nung nakapag-ipon na?
So sino ang dapat sisihin ngayon
sa nangyayaring ganito? Ang parents ba? Ang estudyante? Ang culture natin? Ako ba
na nagsulat about dito? O ang Cosmetology?
Sayang ang oras, dapat sulitin
natin ito sa mga bagay na nakakapagpasaya sa atin. Sabi nga sa pelikula eh,
sundin mo lang yung passion mo at susunod sayo ang success! Maging Nursing man
yan o kahit ano pa yan, ang importante gusto mo yang ginagawa mo. Para kung
sakaling di ganun kaganda ang maging resulta ng napili o eh wala tayong ibang
sisihin kundi ikaw din na nagdesisyon.
No comments:
Post a Comment